Panimula: Ang Balikbayan na si Pablo
Sampung taon na ring nagbAbatak ng buto si Pablo Sta. Maria, tatlumpu't limang taong gulang na crane operator sa Atlanta, Georgia. Isang taon pa lamang ang kanyang panganay na anak na si Penelope nuong natanggap siya sa ina-aplayan niyang recruitment agency sa may La Huerta, Parañaque City. Pinagbubuntis din ng panahon na iyon ng kanyang asawang si Melody ang kanyang pangalawang anak na si Peter.
Ngayong tapos na ang kanyang kontrata, mayroon na siyang sapat na naipon para makapagtayo ng maliit na construction business na pamamahalaan nilang mag-asawa. Bago pa man din siya umuwi ngayon ay inasikaso na ng kanyang misis ang mga dapat ayusin para sa mabilis, maayos at walang sabit na pagtatayo ng kanilang binabalak na negosyo.
Tumingin siya sa relo nya, may dalawang oras pa bago makarating sa Pilipinas ang eroplanong kanyang sinasakyan. Napanuod na niya ang in-flight movie kaya inilipat niya iyon sa CNN at nagulat siya sa kaguluhang inilalahad ng Live ng reporter, alam niya ang lugar na binabalita dahil sampung taon siyang tumira at nagtrabaho duon, ang Atlanta.
"As you can see, people are rioting in the streets, wildly attacking the authorities and other civilians who were unfortunate enough to come close to them. The most disturbing is that these rioters seems to be just running amok without any weapons. They just literally grabs and bite everyone they could get their hands on. Atlanta Police are now forced to open fire but the rioters kept coming..." naputol sa pag-uulat ang reporter ng may biglang sumunggab sa kanya at nalaglag rin ang camera. Dinig na dinig ang tili at sigaw na may halong takot at matinding sakit mula sa reporter at sa kanyang cameraman.
Napa-ikwas sa kanyang kinauupuan si Pablo at kinilabutan sa kahindik-hindik na sinasapit ng dalawang mamahayag. Hindi naputol ang live feed mula sa bumagsak na camera na tuloy lang ang pagsasahimpapawid ng kaguluhan duon. Inaasahan ni Pablo na sisingit sa ulat na iyon ang CNN studio ngunit magsasampung minuto na ay walang nagbabago. Sinara na lamang ni Pablo ang maliit na monitor at umidlip.
Nagising sya dahil biglang umingay ang mga kapwa niya pasahero. Magtatanong sana siya sa katabi nya ngunit wala na sa upuan ito. Tinanggal ni Pablo ang kanyang seatbelt at nilapitan ang isang flight attendant na tarantang nakikipag-talo sa isang Russo.
"Miss, miss, ano bang nangyayari?" wika ni Pablo.
"Ser, balik na kayo sa upuan nyo ser please. Bababa na po tayo." sabi nya pero nginig ang boses at umiiyak.
"Sige na miss, tapatin mo ako." pilit ni Pablo sa kanya.
"Hindi po sumasagot ang tower, lahat na po ng maaaring tawagan ay kinontak na ng kapitan." siyang amin ng babae.
"Safe bang mag-land kahit walang signal sa tower?" tanong ni Pablo.
"Opo ser, tanghali naman po, maliwanag ang runway. Sige na po ser, upo na kayo." muling paki-usap ni... Ann, yun ang nabasa ni Pablo sa kanyang nameplate.
Makalipas ang ilang minuto nakalapag naman ng walang aberya ang eroplano at binuksan na ang pinto ngunit walang sumalubong na passenger boarding ladder sa kanila kaya ni-release na lang ng kapitan ang emergency chute.
Inalalayan ang mga pasahero na mag-slide pababa, si Pablo at nagpahuli dahil tumulong din siya sa mga flight attendant. Nang nakababa na siya ay humabol siya sa mga naunang pasahero at bago niya maabutan sila sa entrance ay nagtilian at sigawan na ang mga ito.
"Bakit?" tanong ni Pablo at ng kasabay niyang attendant na si Ann pala.
"Patay na sila, ang daming patay sa loob!" iyak ng isang matanda.
Tumambad kay Pablo ang nagkalat na bangkay ng mga tao sa loob ng Northwing ng NAIA. May nakita ang co-pilot na gumagalaw pa kaya dali-daling tumakbo ito para tumulong. Ngunit sa ikinagimbal nilang lahat ay biglang sinakmal ng sugatang tao ang co-pilot sa braso.
Naglabas ng baril ang isang air marshal, "Bitiwan mo siya o magpapaputok ako!" sigaw nito pero patuloy sa pagkain ng laman ng piloto ang babae.
Binaril ng marshal ang ulo ng babae at nilapitan ang co-pilot ngunit ito ay nawalan na ng malay sa matinding shock at dahil sa halos matanggal na ang braso nito malabong mabuhay sa siya sa dami ng dugong lumalabas sa kanya.
"Boss, kailangan nating mailagay muna sa ligtas na lugar ang mga pasahero bago natin alamin ang nangyari dito." wika ni Pablo sa marshal.
"Dito, sa customs office!" turo ni Ann at nagsunuran ang mga pasahero sa kanya maliban kay Pablo, sa marshal at sa kapitan.
"Sir, may baril ba kayo?" tanong ng marshal sa kapitan.
"Meron, kinuha ko sa emergency box kanina bago bumaba. Ikaw?" lingon naman nito kay Pablo.
"Wala po, pero marunong akong gumamit." tingin niya sa baril ng isang patay na guwardya.
Tumango ang marshal at kinuha ni Pablo ang baril at mga bala nito, matapos masigurong kasado na ang kanyang automatic pistol ay dahan dahang pumasok ang tatlo sa lobby kung saan daang-daan pang mga patay ang nagkalat mapa-bata man on matanda.
"Mga terorista kaya may kagagawan nito?" kabadong tanong ng guard.
"Ganito rin ang nangyayari sa Atlanta, yung mga tao kahit binabaril ng mga pulis buhay pa rin." sabi ni Pablo.
"Eh bakit nung binaril ni Kap namatay yung babaeng duguan?" kontra naman ng guard.
"Sa ulo ko tinamaan yung babae. Baka dun sila mahina." wika ng kapitan.
Agad kinuha ni Pablo ang kanyang Blackberry phone at tinawagan ang asawa, walang sumasagot.
Pagliko nila papuntang baggage claim area ay bumulaga sa kanila ang halos daang-daang mga taong nagkukumpulan at palakad-lakad na parang iikay-ika at lasing. Lahat pa sila ay nag-uungulang parang mga gutom na aso.
"Atras, kailangan nating makakuha ng mga bus para makaalis dito." sabi ng Kapitan.
"Balik tayo sa likod, may mga naka-stand by na mga shuttles duon." sabi naman ng gwardiya.
"Kailangan din ng mga kasama natin ang armas." paalala naman ni Pablo.
"Isakay muna natin ang iba tapos sa Duty Free na tayo tumuloy." sabi ng Kapitan.
"Duty Free?" kunot ng noo ng guard.
"May mga gamit duon na pwedeng gawing armas." paunawa ni Pablo.
Matapos ang mahabag paliwanagan, tanungan, sigawan at iyakan ay naisakay din nila ang mga kapwa pasahero sa tatlong shuttle service. Sina Pablo, ang guard at ang Kapitan ang nagdrive paalis sa likuran patungong Duty Free.
Sa daan ay nakita nila ang mga patay at ang mga naglalakarang mga buhay na bangkay. Ang mga malapit na taong bangkay ay nagsipagtangkaan na sungaban ang mga sasakyan nila ngunit pinaharurot ito ng nina Pablo at binanga pa ang iba.